Awaw ng Pag-lisan

3:57 AM

Sana panaginip lang, sana pag gising ko okay na.
Sana magising na tayo,ng mawala na ang sakit, ng maging masaya na tayo ulit.
Para makapag patuloy na tayo.


Hihintayin kitang magising, siguro nauna lang ako.
Pasensya ka na kung mabigat na, matatapos din ito lahat. Pag gising mo, nandito lang ako sa tabi mo. Yayakapin ka, yakap na magpapawala ng pagod mo. Hindi ako susuko, maghihintay ako sa iyong pag gising. Magkasama tayong sisilipin ang bukas. Wala tayong alam, pero nandito lang ako. Hindi kita iiwanan. Hindi kita susukuan, kahit madaming dahilan ang ibigay mo sakin para iwan ka, may isa pa ring dahilan para lumaban. Yun ay mahal kita, at hindi yun magbabago.

Hindi madali, sobrang sakit,sobrang hirap. Pero pagkatapos natin to malampasan, gagaan ang lahat.

Mahal na mahal kita Ian.



You Might Also Like

0 comments