Kung

5:15 AM


Sa mundo ng paano kung, 
Ikaw ang nag-iisang sigurado
Sa lugar na walang kasiguraduhan,
Ikaw ang tanging gustong itaya

Kung lalakad ba ako ng paatras
Aatras din ba ang orasan?
Kung sakaling tumigil ang sandali
Matatagpuan ba kita?

Tila oras nalang ba ang magdidikta
Kung para ba talaga s isa't isa
Kung nasisilip lang ang bukas
Handa ka bang tumingin?

x

You Might Also Like

0 comments